Paalam sa isang alamat! Edward Hagedorn, tagapagtanggol ng kalikasan at protektor ng natural na yaman ng Palawan, pumanaw na

Unang nakilala bilang mayor ng Puerto Princesa City ang yumaong mambabatas na si Palawan Rep. Edward Hagedorn.

Pumanaw na nitong Martes ng umaga, Oktubre 3, si Palawan Rep. Edward Hagedorn, na una nakilala bilang mayor ng Puerto Princesa City sa Palawan.

Mismong ang pamilya ni Hagedorn ang nag-anunsiyo sa balita sa opisyal na Facebook page ng dating alkalde.

“With heavy hearts, we inform you of the passing of a beloved friend, brother, husband, father, and public servant, Edward Solon Hagedorn,” ayon sa pahayag ng pamilya Hagedorn. “Our dear Congressman died peacefully on October 3rd, 2023, after 76 years of shining his light into the world.”

Iaanunsiyo rin ng pamilya sa mga susunod na araw ang mga detalye ng lamay ni Hagedorn, na tinawag nilang “champion for the environment, tourism, agriculture, and peace and order.”

“Cong. Ed’s life speaks volumes, particularly in his role as a champion for the environment, tourism, agriculture, and peace and order. His efforts created inclusive spaces for the community and inspired a collective desire for change. It’s hard not to be infected by his energy and laughter, which he freely shares with everyone he encounters,” ayon sa post ng kanyang official Facebook page.