Paalam, Petecio iwawagayway PH flag sa Paris Olympics

Sina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang napili para maging flag bearer ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.

Sina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang napili para maging flag bearer ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.

Inanunsyo ng Philippine Olympic Committee ang pagbibitbit ng bandila nina Petecio at Paalam nitong Lunes.

Matatandaan na ang dalawang boksinger ay nagbigay ng silver medal sa Pilipinas noong 2020 Tokyo Olympics.

Gaganapin ang opening ceremony ng Olympics sa July 26.

Sa kabuuan ay 15 Pinoy ang ipapadala ng Pilipinas para sa pinakamalaking sporting event.

Kasama diyan sina pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo at weightlifter Elreen Ando.

Inaasahan pa na madagdagan ito ng ilang atleta mula sa athletics at swimming pagsapit ng qualification phase para sa dalawang event.