Paalala sa mga employer po! Benepisyo ng mga manggagawang tinamaan ng COVID-19, tuloy pa rin dapat – DOLE

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaari pa rin makakuha ng mga medical benefits ang mga empleyado na magkakasakit ng COVID-19.

Bagaman wala nang umiiral na state of public emergency, maaari pa rin makakuha ng mga medical benefits ang mga empleyado na magkakasakit ng COVID-19.

Iyan ang paglilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE), na inabisuhan naman ang mga employers sa bansa na magkaroon ng kasunduan sa mga empleyado nito hinggil sa mga benepisyong matatanggap kung tatamaan ng COVID-19 ang isang empleyado.

Kabilang sa mga benefits na ito ay mga sick leave benefits, health insurance coverage, at tulong kung ma-isolate ang may sakit.

Hinimok rin ni DOLE Secretary Beinvenido Laguesma ang mga employer na hikayatin nila ang mga tauhan nila na magpabakuna upang masigurong safe ang working conditions ng wokplace.

Gayunpaman, sinabi rin ni Laguesma na ang pagiging unvaccinated ay hindi rason para makaranas ng workplace discrimination ang isang empleyado o magkaproblema sa mga benepisyo nito gaya ng security of tenure at promotion.