Paa ng aso nalapnos sa tindi ng init

Nabigyan ng atensyong medikal ang isang palaboy na aso na natagpuang lapnos ang paa dahil sa tindi ng init.

Nabigyan ng atensyong medikal ang isang palaboy na aso na natagpuang lapnos ang paa dahil sa tindi ng init.

Ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), dinala sa kanila ng isang rescuer ang aso na si ‘Benjie.’

Sumilong lang sa isang bubong si Benjie dahil sa init. Dito na napansin ng rescuer na nanghihina ito at nahihirapang maglakad dahil labas na ang laman sa isa nitong paa.

“He limped and whimpered as every small step brought him agony, unable to even stand properly as sharp pain shot from his flesh-exposed paws,” saad ng PAWS.

Sa ngayon ay nagpapagaling na si Benjie.

“Though still visibly weak from his ordeal, with lots of care, he’s slowly recovering and building up his strength. Benjie is a courageous survivor whose experience sadly echoes the harsh reality faced by many animals in need,” dagdag pa ng PAWS.

Paalala ng grupo sa mga pet owner, huwag pabayaan ang kanilang mga alaga dahil pati ang mga ito ay apektado rin ng init ng panahon.