Pa-gluta ni Mariel sa Senado, hindi big deal! – Robin Padilla

Tila hindi big deal para kay Senador Robin Padilla ang issue tungkol sa pagpapa-gluta drip ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez-Padilla sa loob ng kanyang opisina sa Senado.

Tila hindi big deal para kay Senador Robin Padilla ang issue tungkol sa pagpapa-gluta drip ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez-Padilla sa loob ng kanyang opisina sa Senado.

Ayon kay Robin, “nakakatawa” umano ang issue at sinabi niyang wala raw intensyon ang kanyang misis na bastusin ang Senado.

BASAHIN:

Nag-gluta session sa Senado! Mariel Padilla sinuka ng netizens

“Nakakatawa naman po ang political isyu na yan. My goodness,” saad ni Padilla.

“Kung may nakita po silang masama sa larawan na ‘yan, paumanhin po. No intention of disrespect,” aniya pa.

Dagdag pa ng Senadi, nais lang daw ng kanyang misis na mag-promote ng “good looks” at “good health.”

Pinulutan sa social media si Mariel matapos itong mag-post sa Instagram ng larawan habang siya’y nagpapa-gluta drip sa opisina ni Robin sa Senado.

Binura din agad ni Mariel ang naturang post matapos itong putaktehin ng mga netizen.