P97M ayuda binuhos ni PBBM sa Calabarzon

Aabot sa P97 milyong pinansyal na ayuda ang ibinuhos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Nino sa Region 4-A.

Aabot sa P97 milyong pinansyal na ayuda ang ibinuhos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Nino sa Region 4-A.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Cavite, sinabi nitong hindi pababayaan ng pamahalaan ang sektor ng pagsasaka.

Nasa P24 milyon ang ibinigay ni Pangulong Marcos sa Provincial Government ng Batangas; P17.4 milyon sa Laguna at P28.8 milyon sa Quezon.

Nasa P12.3 milyon ang ibinigay sa probinsya ng Cavite habang nasa P14.5 milyon naman sa Rizal.

Binigyan din ni Pangulong Marcos ng tig P10,000 ang mga magsasaka at mangingisda.

Namahagi naman ng farm machineries, equipment, fiber boats, seeds, fishing cages at iba ang ibat ibang tanggapan ng gobyerno.

Namahagi rin si Speaker Martin Romualdez ng cash assistance, business kits, starter toolkits, certificates of scholarship at tig limang kilo ng bigas.