P93M Water supply, sanitation projects sa Bicol, pinondohan na!

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P93 milyon para sa water supply at sanitation projects ng pitong bayan sa Bicol Region.

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P93 milyon para sa water supply at sanitation projects ng pitong bayan sa Bicol Region.

Ang pagpopondo sa nasabing proyekto ay naging posible sa tulong ng Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (SAFPB) project ng DBM. Inilarga ng DBM ang SAFPB bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguruhing ang bawat Pilipino ay nakakagamit ng malinis at ligtas na tubig.

Ang mga bayan ng Jovellar at Malilipoy sa Albay, Bulusan at Juban sa Sorsogon, Baleno sa Masbate, at Panganiban, Catanduanes at San Fernando sa Camarines Sur ang pitong bayan sa Bicol Region na makikinabang sa pondo.

“This project is also unique in that it will use participatory budgeting. This means that not only government officials but also Civil Society Organizations will have a say in the identification, implementation, and monitoring of the projects. This is in line with the DBM’s commitment to promoting open government in the country,” pahayag ni DBM media affairs and community relations officer na si Richard Vargas.

Sa kabuuan, 75 bayan sa buong Pilipinas ang target na tulungan ng SAFPB.