P7M Birthday raffle! Chavit magpapaulan pera sa kaarawan

Mamimigay ng P7 milyon si dating Ilocos Sur governor at negosyanteng si Luis "Chavit" Singson sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Mamimigay ng P7 milyon si dating Ilocos Sur governor at negosyanteng si Luis “Chavit” Singson sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Sa kanyang Facebook post, nag-deposit na raw si Singson ang pera upang ipakitang totoo ang kanyang pa-birthday raffle na gaganapin ngayong June 21.

Paglilinaw naman ni Singson na hindi lang isa ang mag-uuwi ng P7 milyon at mananalo sa kanyang online raffle.

“This year, magpapa-raffle ako ng ₱7 million. Ipapakita ko sa screen, naka-live,” sabi ni Singson

Nasa 600 katao ang pwedeng mag-uwi ng tig-P10,000 habang isang maswerte netizen naman ang magbubulsa ng P1,000,000.

“₱6 million na tig-₱10,000 plus ‘yong isang ₱1 million, so ₱7 million lahat,” dagdag niya.