P74M lotto jackpot nasolo ng swerteng bettor!

Instant milyonaryo ang isang mananaya sa Lotto 6/42 matapos niyang makuha ang winning combination nitong Huwebes ng gabi.

Instant milyonaryo ang isang mananaya sa Lotto 6/42 matapos niyang makuha ang winning combination nitong Huwebes ng gabi.

Natumpakan ng bettor ang 11-23-05-22-24-03 para makuha ang P74.7M jackpot prize.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang ticket ay binili sa Dasmariñas, Cavite.

129 katao naman ang nanalo ng P24,000 matapos makuha ang limang numero sa winning combination, habang 4,687 ang may P800 sa nakuha apat na numero.

Samantala, wala namang nakatama sa Super Lotto 6/49 na may P15M jackpot.