P738M halaga imprastraktura napinsala ng pagbaha at landslide sa Mindanao

Ang rehiyon ng Caraga ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala na aabot ng P473-milyong dahil sa pagkasira ng nasa 32 infrastructure facilities.

Kabuuang P738 milyong halaga ng imprastraktura ang napinsala ng pagbaha at landslide sa Mindanao.

Inihayag ito sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang rehiyon ng Caraga ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala na aabot ng P473-milyong dahil sa pagkasira ng nasa 32 infrastructure facilities.

Kasunod ang Davao Region na nakapagtala ng 134 infrastructure facilities na aabot ng P265.6 milyong

Aabot naman ng 1,344 na bahay ang nasira sa Northern Mindanao, Davao Region at sa Caraga.

Mayroon 96 na kalsada at 16 na tulay sa tatlong rehiyon ang hindi pa rin madaanan hanggang nitong linggo.

Samantala, nasa 1,389,073 katao at 415,494 na pamilya sa 818 barangays sa Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, and Bangsamoro Region ang naapektuhan ng pagbaha at landslide dulot ng pag-ulang dala ng Northeast Monsoon o Amihan at trough mula naman sa nalusaw na low pressure area.