P70M lotto jackpot binulsa ng solong mananaya

Kinubra ng solong mananaya ang tumataginting na P70.4 milyong papremyo sa Lotto 6/42 nitong Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kinubra ng solong mananaya ang tumataginting na P70.4 milyong papremyo sa Lotto 6/42 nitong Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tugma ang tinayang lotto ticket ng solo bettor sa winning combination na 40-11-25-07-27-30 at may jackpot prize na P70,440,258.20.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na may nag-iisang mananaya ang nag-uwi ng jackpot prize sa Lotto 6/42 at Ultra Lotto 6/58 noong Hunyo 21 na may papremyong umabot naman sa P150-M.

Samantala, wala pa ring nakakakuha ng tamang taya sa Grand Lotto 6/55 na may winning combination na 08-03-09-46-41-38 na may jackpot prize na P51M.