P700K kinotong ng Quezon City Hall employee

Arestado ang isang empleyado ng Quezon City Hall sa kasong extortion matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad.

Arestado ang isang empleyado ng Quezon City Hall sa kasong extortion matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad.

Base sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kinilala ang suspek na si Joel Aquino Avila, 56 taong gulang, supervisor ng Quezon City Engineering Office.

Nahuli si Avila na tinatanggap ang P5,000 at isang tseke na nagkakahalaga ng P700,000 sa loob ng isang food chain sa Visayas Avenue.

Base sa biktima, hiningan siya ng suspek ng dalawang tseke na nagkakahalaga ng P1 milyon at P500,000, para makakuha ng permit at iba pang dokumento para sa negosyo niyang pet food noong 2022. Gayunpaman, wala naman daw siyang natanggap na anumang dokumento mula sa suspek.

Matapos ang dalawang taon, sinabi ng nagreklamo na hiningan siya ulit ni Avila ng P700,000.

Sa ngayon, nasa pangangalaga ng CIDU-QCPD si Avila.