P680K na halaga ng shabu, nakuha sa mga buy-bust operation ng mga awtoridad

Arestado ang isang 29-anyos na babae sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Barangay Ilawod, Purok Singko, Guinobatan, Albay madaling araw nitong Miyerkules, Setyembre 27, 2023.

ALBAY- Arestado ang isang 29-anyos na babae sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Barangay Ilawod, Purok Singko, Guinobatan, Albay madaling araw nitong Miyerkules, Setyembre 27, 2023.

Kinilala ang suspek na si Rica Noleal y Romero na positibong nabilhan ng police poseur buyer ng tatlong (3) heat-sealed plastic transparent sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Nabawi rin sa kanya ang P120,000.00 na boodle money.

Ayon tagapagsalita ng Guinobatan Municipal Police Station na si Lt. Arnold Reonal, matagal na nilang minamanmanan ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kabuoan, aabot sa singkwenta (50) gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00 ang nasamsam sa suspek.

Samantala, arestado naman ang apat na tulak ng droga sa ikinasang operasyon kontra droga sa Zone 7, Barangay San Esteban, Nabua, Camarines Sur pasado alas-7:00 ng gabi nitong Setyembre 25, 2023.

Kinilala ang biktimang sila Jonden Pornillos, Rodolfo Ocampo Jr., Raymond Villamero at Joel Lagypa Jr. na pawang mga residente nasabing lugar.

Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00.

Bukod pa rito, nakuha rin sa posisyon ng mga suspek ang siyam na maliliit na pakete ng shabu at isang malaking pakete ng shabu.