P640B investment, bunga ng foreign trips ni PBBM

Aabot sa P640.22 bilyong halaga ng proyekto ang naiuwi ni Pangulong Ferdinand "Bongbing" Marcos Jr bunga ng mga biyahe sa ibat ibang bansa mula Enero hanggang Mayo ngayong taon

Aabot sa P640.22 bilyong halaga ng proyekto ang naiuwi ni Pangulong Ferdinand “Bongbing” Marcos Jr bunga ng mga biyahe sa ibat ibang bansa mula Enero hanggang Mayo ngayong taon

Ayon sa Board of Investments (BOI) base ang halaga sa mga investment pledges na ibinigay ng mga dayuhang mamumunuhan kay Pangulong Marcos.

Ayon sa BPI, mas mataas ito ng 14 porsyento sa P562.9 bilyong investment na naitala sa parehong buwan noong 2023.

“This positive trend can be attributed to various factors, including the investment leads generated from the presidential visits of President Ferdinand R. Marcos, Jr. since 2022. These visits, along with the efforts of the BOI and other Investment Promotion Agencies (IPAs), have been instrumental in converting potential investment interests into actualized projects and foreign direct investments (FDIs),” saad ng BOI.

Nasa P114.37 bilyong proyekto ang galing sa foriegn sources habang ang local investors naman ay mayroong P525.85 bilyon

Nasa 13,871 na trabaho ang malilikha bunga ng mga investments.

Pinakamalaking foreign investments ay mula sa Switzerland na may P62.89 bilyon, Netherlands na may P39.33 bilyon, Singapore na may P6.07 bilyon, China na may P1.53 bilyon, Taiwan na may P1.28 bilyon, at United States na may P953 milyon.

“We are indeed making it happen in the Philippines. The BOI, together with other IPAs, remains committed to generating more investments and maintaining the FDI growth momentum through ongoing economic reforms and proactive investment promotion,” pahayag ni Trade Secretary at BOI Chairman Alfredo Pascual.