P5B pondo para sa mga bagong classroom, aprubado ng DBM

Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P5 bilyon para sa pagpapatayo ng bagong mga silid-aralan.

Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P5 bilyon para sa pagpapatayo ng bagong mga silid-aralan.

Ito ay matapos aprubahan ni Budget Secretary Mina Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) para sa mga classroom.

Ayon sa pahayag ng ahensya nitong Miyerkoles, nasa kabuuang 1,834 na silid-aralan ang itatayo sa 216 na lugar sa buong bansa.

Bukod pa riyan, gagamitin din ang pondo para sa pagdadagdag ng mga gusali sa kindergarten, elementarya, sekondarya, technical vocational laboratories, disability access facilities, at water and sanitation facilities.

“The timely release of funds for the project signifies our dedication and commitment to help in building a brighter future for our young learners,” saad ni Pangandaman.