P595M smuggled na sigarilyo sinira sa Zamboanga

Aabot sa P595 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City,

Aabot sa P595 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City,

Ayon kay Acting District Collector Arthur. Sevilla Jr. ng BOC Port of Zamboanga, walang kaukulang dokumento ang mga sigarilyo.

Nakalagay ang mga sigarilyo sa 8,816 cases at 1,014 reams.

Ayon kay Sevilla, nasamsam ang mga sigarilyo matapos magsagawa ng maritime patrol operations sa mga lugar sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, mula noong November 2023 hanggang April 2024.

Ayon kay Sevilla, sinira ang nga sigarilyo gamit ang manually shredded at cutter.

Ilang beses din dinaanan ng payloader equipment ang mga sigarilyo bago tuluyang itinapon sa sanitary landfill sa Brgy. Salaan, Zamboanga City.

“With the firm directive of Commissioner Bienvenido Y. Rubio to ensure transparency and credibility, the BOC Zamboanga has been conducting the disposal of smuggled cigarettes through a public condemnation activity, in the presence of representatives from the Commission on Audit, Department of Health, the local government unit, stakeholders, and all partner operating units,” pahayag ni Sevilla.

Sinabi naman ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na patuloy babantayan ng kanilang hanay ang mga border ng Piliponas para hindi makapasok ang mga kontrabando.

“Maintaining transparency and credibility is our foremost commitment. The condemnation process plays a crucial role in ensuring the proper disposal of illicit goods,” pahayag ni Rubio.

“We will make sure that only legitimate products enter our local markets, thus safeguarding our citizens from the dangers associated with the illicit tobacco trade,” dagdag ng opisyal.