P580M halaga ng tulong, inabot ni Romualdez sa Zamboanga

Abot sa P580 million na halaga ng government service, cash at livelihood aid ang inabot ni House Speaker Martin Romualdez sa Zamboanga.

Abot sa P580 million na halaga ng government service, cash at livelihood aid ang inabot ni House Speaker Martin Romualdez sa Zamboanga.

Ito’y parte ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair kung saan abot 110,000 benepisyaryo ang nakinabang.

“Hatid ng BPSF ang direktang serbisyo mula sa gobyerno patungo sa mga mamamayan. Mismong ang pamahalaan na ang pupunta sa lalawigan ninyo, hindi niyo na kailangang maglakbay at gumastos para pumunta sa mga sentro sa probinsya para makakuha ng serbisyo at ayuda,” ayon kay Romualdez.

“Ito ang pagsasabuhay ng mga hangarin ni Pangulong Marcos Jr. para sa mamamayang Pilipino, ang makakuha ng direktang serbisyo dahil ang pamahalaan ang pupunta sa kanila,” aniya pa.

Bukod sa cash assistance, abot sa 355,000 kilo ng bigas din ang binahagi sa mga residente ng Zamboanga.