P53.8-M lotto jackpot, sinolo!

Binulsa ng solong mananaya ang P53.8 milyong jackpot prize para sa Mega Lotto 6/45 kagabi, May 22.

Binulsa ng solong mananaya ang P53.8 milyong jackpot prize para sa Mega Lotto 6/45 kagabi, May 22.

Sumakto ang tinayaan ng lucky bettor sa winning combination ng Mega Lotto na 11-30-21-04-22-13.

Samantala, wala pa ring nananalo sa Grand Lotto 6/55 na may jackpot prize na P29.7M at may winning combination na 27-29-14-24-41-20.

Pinaalalahanan naman ng PCSO ang nanalong mananaya na kunin ang napanalunang pera sa Main Office nito sa Mandaluyong city at ipresenta ang winning lotto ticket kasama ang dalawang valid IDs.