P50K entry level sahod ng teacher, pinag-aaralan ni Angara

Pag-aaralan ni incoming Education Secretary at Senator Sonny Angara ang panukalang gawing P50,000 ang entry level na sweldo ng mga gurong papasok sa mga public schools.

Pag-aaralan ni incoming Education Secretary at Senator Sonny Angara ang panukalang gawing P50,000 ang entry level na sweldo ng mga gurong papasok sa mga public schools.

Pangako ni Angara, pagagandahin ang mga benepisyo ng mga guro.

“Ang sweldo is set by the Congress kapag nagkakaron tayo ng increases o umento sa [sahod ng] mga empleyado ng gobyerno. And 100% suportado tayo diyan at tinutulak po natin ‘yan, especially nu’ng member pa tayo ng Senate Committee [on Finance],” pahayag ni Angara.

Ayon kay Angara, kukunsltahin niya muna ang Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) kaugnay sa panukala.

“Tingnan ho natin, pag-aralan natin. Pero tayo, hundred percent in support po tayo for all of these teachers’ increases dahil alam natin na apektado ‘yung kalidad ng edukasyon kapag talagang inspired ‘yung mga teachers at you attract the best, ‘yung pinakamagagaling, the best and the brightest ika nga,” pahayag ni Angara.

Una nang naghain noong Pebrero sina Makabayan bloc Representatives France Castro, Arlene Brosas at Raoul Manuel ng House Bill 9920 para gawing P50,000 ang entry level salary ng mga public school teachers.