P500M naka-ready! DA sasaklolohan mga apektado ng El Niño

Nakahanda umano ang Department of Agriculture (DA) na tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño sa pamamagitan ng pautang at insurance.

Nakahanda umano ang Department of Agriculture (DA) na tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño sa pamamagitan ng pautang at insurance.

Ayon kay DA Assistant Secretary at spokesperson na si Arnel de Mesa, may nakalaan na P500 milyon pondo para alalayan ang mga nasa sektor ng agrikultura na nagdurusa dahil sa tagtuyot.

“Ang gobyerno natin ay naglaan na ng P500 million na credit assistance, this is P25,000 per affected farmer and fisher and then yung ating insurance claims about P1.8 billion maximum of P20,000 [each] ang puwedeng ipamahagi,” pahayag ni de Mesa ngayong Sabado.

Bukod pa rito, mamamahagi rin umano ang pamahalaan ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda. Tangka ng ahensya na makapagbigay ng P5,000 tulong-pinansyal sa mga magsasaka at P3,000 na fuel subsidy para sa mga mangingisda.

Batay sa huling tala ng DA, umabot na sa P357.4 milyon ang halaga ng pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.