P5 – P6 bawas presyo ng bigas, mararamdaman!

Bababa ng lima hanggang anim na piso ang presyo ng bigas kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaltas sa taripa ng bigas, ayon sa Kamara.

Bababa ng lima hanggang anim na piso ang presyo ng bigas kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaltas sa taripa ng bigas, ayon sa Kamara.

Ayon kay House committee on agriculture chairperson at Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark Enverga, nakabase ang mga numero sa computation ng Philippine Statistics Authority (PSA).

“As far as PSA has reported out, it’s going to be less by P5 to P6 per kilo(gram). P5 to P6 per kilo,” pagkumpira ni Enverga matapos tanungin kasama si House Speaker Martin G. Romualdez kung ano ang magiging epekto ng pagbaba ng taripa sa bigas.

Sinabi rin ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na maaaring mas bumaba pa ang presyo depende sa palitan ng piso kontra dolyar kung saan mas malaking halaga na piso ay mas mababang presyo.

“Pero that’s depending on the, that P5 to P6 at the current exchange rate po ‘yon P58 po (per $1), if the dollar goes down, mas mataas pa doon, so depending on the dictate of the exchange rate,” sabi ni Tulfo.

Nauna nang nanawagan si Romualdez sa iba pang ahensya ng gobyerno at ng mga malalaking retail store sa bansa na tulungan ang pangulo na mas mapabilis ang pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa.