P5.6M halaga ng iligal na droga nasamsam sa Bicol

Nakumpiska ng mga pulis sa Bicol ang P5.6 milyong halaga ng iligal na droga sa isinagawang isang linggong operasyon mula Mayo 6 hanggang 12.

Nakumpiska ng mga pulis sa Bicol ang P5.6 milyong halaga ng iligal na droga sa isinagawang isang linggong operasyon mula Mayo 6 hanggang 12.

Ayon kay Police Regional Office-Bicol (PRO5) chief Brig. Gen. Andre Dizon, nasamsam ang 833.37 gramo ng shabu at 25.55 gramo ng marijuana.

Bukod pa riyan ay 31 na indibidwal ang nahuli dahil sa iligal na droga.

“During the buy-bust operation, he was found in possession of approximately 418.525 grams of shabu with an estimated value of PHP2.8 million,” ani Dizon.

Sinabi pa ni Dizon, nananatiling matatag ang PRO5 sa kanilang pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pag-aresto sa mga sangkot sa droga upang tiyakin ang kaligtasan ng komunidad.