P4K singil! Edu Manzano nagalit sa nangotong na pulis

Ipinaabot ng aktor na si Edu Manzano sa kanyang X (dating twitter) account ang reklamo tungkol sa pulis na nangotong 'di umano sa kanila ng kanyang driver.

Ipinaabot ng aktor na si Edu Manzano sa kanyang X (dating twitter) account ang reklamo tungkol sa pulis na nangotong ‘di umano sa kanila ng kanyang driver.

Kwento ni Edu, nasa kahabaan sila ng Roxas Boulevard nang parahin sila ng pulis na naka-motor dahil sa illegal U-turn.

“My driver was just stopped by a motorcycle cop on Roxas Blvd. I was sitting in the back while he approached my driver and told him on his violation, Illegal U-turn,” sa post ni Edu sa X.

Dagdag niya, imbes na bigyan sila ng violation ticket ay siningil na lang sila nito ng P4,000.

Lubhang ikinagalit ito ni Edu.

“Yes my driver made a mistake but what upset me more was when he demanded P4K from my driver or else…” aniya.

BASAHIN: