P46M sinolo ng lucky bettor sa Megalotto 6/45

Wagi ng higit P46M ang isang mananaya sa Megalotto 6/45 nitong Lunes ng gabi.

Wagi ng higit P46M ang isang mananaya sa Megalotto 6/45 nitong Lunes ng gabi.

Nasaktuhan ng bettor ang winning combination na 33-17-40-09-42-20 para sa jackpot prize na P46,011,957.80.

Huli pang may nanalo sa 6/45 noon pang March 20.

Samantala, walang jackpot winner ang Grand Lotto 6/55 draw.

Ang mga nanalong numero ay 51-09-47-41-40-04 na may kabuuang jackpot prize na P29M.