P40M ayuda sa pagsabog ng Kanlaon, agad na inasikaso ni Romualdez

Ipinatupad ni Speaker Martin G. Romualdez ang mabilis na paglatag ng P40 milyong ayuda para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa isla ng Negros.

Ipinatupad ni Speaker Martin G. Romualdez ang mabilis na paglatag ng P40 milyong ayuda para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa isla ng Negros.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at may karagdagang P4 milyong halaga ng food packs mula sa Disaster Assistance Fund ni Speaker Romualdez.

Agad namang nakipag-ugnayan ang kampo ni Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang magbigay ng tig-P20 milyon para sa Ayuda para sa Kapos ang Kina Program (AKAP) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

“These funds will provide much-needed support to affected residents in Negros Oriental and Negros Occidental, ensuring they have the resources to cope with the disruptions caused by the eruption of Kanlaon Volcano,” ayon kay Romualdez.

Tatanggap ang mga apektadong residente mula sa unang distrito ng Negros Oriental at ikaapat na distrito ng Negros Occidental ng tig-P10 milyon mula sa AKAP at TUPAD.

Dagdag pa ni Speaker Romualdez, “President Marcos’ directive was clear: we must act swiftly and decisively to provide relief to those affected by this natural disaster. His commitment to the welfare of our people is unwavering, and this aid package reflects that dedication.”

Naganap ang pagsabog ng Mt. Kanlaon noong Lunes, Hunyo 3, na nagdulot ng malakas na pagbuga ng abo at gas.