P400 monthly ayuda sa mga buntis, sinusulong

Hinirit ng isang grupo ang pagbibigay ng P400 subsidy kada buwan ang mga buntis para masuportahan ang kanilang mga bagong silang na anak.

Hinirit ng isang grupo ang pagbibigay ng P400 subsidy kada buwan ang mga buntis para masuportahan ang kanilang mga bagong silang na anak.

Ayon kay Lyonel Tanganco, co-convener ng Malusog at Matalinong Bata Coalition, sasapat na umano ang naturang halaga para makatulong sa kalusugan ng mga sanggol.

Ito ay dahil sa isang pag-aaral na dumadami ang bilang ng mga batang Pinoy na ‘bansot’ o kulang sa nakukuhang nutrisyon.

Ang sinusulong na subsidy ay hiwalay pa sa pinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development na rice allowance, health grant, at educational grant na ibinibigay sa mahihirap na pamilya.