P35M na tulong sa biktima ng sunog sa Puerto Princesa sa Palawan inendorso ni Romualdez

"We are deeply saddened by the tragedy that has befallen the residents of Barangay Pagkakaisa and Barangay Bagong Silang. In these trying times, it is imperative that we come together as a nation to support our fellow Filipinos,” sinabi ng Speaker Romualdez

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang tulong sa mga biktima ng malaking sunog sa residential areas sa dalawang barangay sa Puerto Princesa, Palawan miyerkules ng umaga, February 7.

Agad na iniutos ni Romualdez ang mobilisasyon ng P35-milyon na halaga ng tulong mula sa pamahalaan para sa naapektuhan ng sunog sa mga residente ng Barangay Pagkakaisa at Barangay Bagong Silang.

“We are deeply saddened by the tragedy that has befallen the residents of Barangay Pagkakaisa and Barangay Bagong Silang. In these trying times, it is imperative that we come together as a nation to support our fellow Filipinos,” sinabi ng Speaker.

Si Romualdez ang legislative caretaker ng third congressional district ng Palawan kasunod ng pagpanaw ni Rep. Edward Hagedorn noong Oct. 3, 2023.

Dagdag ng lider ng Kamara,“The provision of financial assistance is a crucial step in our concerted efforts to aid in their recovery.”

Tinatayang nasa 450 na residente at 920 na pamilya ang biktima ng malaking sunog.

Ang naapektuhang residente ay makatatanggap ng P10,000 bawat pamilya sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Naghahanda na rin ng 3,500 na food packs ang Office of the Speaker at Tingog Party-list para sa mga fire victim.