P350M cash pinamudmod sa mga apektado ng El Niño sa MIMAROPA

Nag-abot ng tulong pinansyal ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasakang apektado ng El Niño sa MIMAROPA.

Nag-abot ng tulong pinansyal ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasakang apektado ng El Niño sa MIMAROPA.

Base sa ulat ng DA, nasa mahigit P350,000,000 ang naipamahagi sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Ito ay ayon umano sa programang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA).

“PHP379 million na iyong naibigay na assistance sa mga farmers, kasama na rito iyong sa high-value natin na almost PHP1 million, iyong rice seeds natin is PHP8 million, and then fertilizer PHP7 million,” ani Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa.

Sa ngayon, nasa 32,231 ektarya ng mga bukirin ang napinsala ng matinding init na nararanasan sa bansa.