P3-B ayuda sa isang araw? AKAP ng Marcos admin, umarangkada na!

Opisyal nang lumarga ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Pamahalaang Marcos na magbibigay tulong pinansyal sa mahigit isang milyong benepisyaryo nito sa bansa.

Opisyal nang lumarga ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Pamahalaang Marcos na magbibigay tulong pinansyal sa mahigit isang milyong benepisyaryo nito sa bansa.

Makakatanggap ng tatlong libong piso ang bawat Pilipinong kasapi ng programa mula 334 na lugar sa Pilipinas na may planong maipamahagi sa loob lamang ng isang araw.

“Sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., binuo natin ang programang ito para tulungan ang ating mga kababayang mahihirap na apektado ng pagtaas ng mga presyo o inflation,” sabi ni House Speaker Martin G. Romualdez.

“Sa pamamagitan ng AKAP, masisiguro natin na kahit sa panahon ng krisis, walang Pilipinong maiiwan. Ito ang misyon na ibinigay sa atin ng Pangulong Marcos, Jr. Ang tiyakin na bawat Pilipino ay may maaasahang kakampi na handang umalalay sa panahon ng pangangailangan,” dagdag niya.

Mayroong P26.7 bilyong pondo ang AKAP mula sa 2024 national budget.