P3.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa CamSur

Arestado ang anim katao matapos mahulihan ng P3.5 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation nitong Miyerkoles sa Camarines Sur.

Arestado ang anim katao matapos mahulihan ng P3.5 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation nitong Miyerkoles sa Camarines Sur.

Isa sa mga operasyon ay ikinasa dakong alas-7:44 ng gabi sa Barangay Tara, Sipocot, kung saan apat katao ang nahuli. Kinilala ang mga suspek bilang sina Sam, 52; Lian, 47; Ed, 47; at isang 16 na taong gulang na binata.

Nakuha mula sa kanila ang 500 gramo ng shabu na may halagang P3.4 milyon.

Samantala, dakong alas-10:13 ng gabi naman nang madakip ng pulisya sina Boyc, 32, at Vin, 28, sa Barangay Buluan, bayan ng Baao. Nakumpiska sa dalawa ang 20 gramo ng shabu na may halagang P136,000.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang supplier ng droga ng mga suspek. Inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa mga naaresto.