P29/kg bigas ibebenta sa NCR, Bulacan

Aarangkada na ngayong araw ang "Program 29" o ang pagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa stores sa Metro Manila at Bulacan.

Aarangkada na ngayong araw ang “Program 29” o ang pagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa stores sa Metro Manila at Bulacan.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nasa 6.9 milyong households o 35 milyong Filipino ang makikinabang sa “Program 29.”

Sampung Kadiwa stores sa National Capital Region at Bulacan ang makikiisa sa trial program na magbebenta ng bigas tuwing BIYERNES, Sabado at Linggo.

Ang mga Kadiwa stores ay nasa Bureau of Animal Industry at National Irrigation Administration office sa Quezon City; Bureau of Plant Industry sa Manila; Food Terminal Inc. Sa Taguig City; PhilFIDA sa Las Pinas; Caloocan City; Valenzuela City; Brgy. Fortune at BF City (BFCT) sa Marikina City; at San Jose del Monte City sa Bulacan.

“The large-scale trial aims to gather comprehensive data on supply, demand, and logistics, essential for the smooth nationwide rollout of the program,” pahayag ni Laurel.

“During this period, KADIWA will also prepare booklets to monitor rice purchases of P29 beneficiaries, which include senior citizens, single parents, persons with disabilities and beneficiaries of the government’s 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program),” dagdag ni Laurel.

Nasa 265 ang Kadiwa stores sa buong bansa habang nasa 119 ang pop-up stores.

“The DA estimates that full implementation of the P29 program will require approximately 69,000 metric tons of rice. This will provide 10 kilos of rice per month at P29 per kilo to the targeted 6.9 million vulnerable households,” pahayag ni Laurel.