P29/kg bigas binebenta sa Kadiwa

Nagkakahalagang P29 per kilo ng bigas ang ibinebenta ng Department of Agriculture (DA) sa limang Kadiwa store sa Metro Manila.

Nagkakahalagang P29 per kilo ng bigas ang ibinebenta ng Department of Agriculture (DA) sa limang Kadiwa store sa Metro Manila.

Ito ay mas mura kumpara sa mahigit P30 na halaga ng bigas sa mga normal na pamilihan.

“The sale of rice at P29 per kilo will continue as the government projects to produce more than 100 million kilos of rice by August this year through contract farming agreement with Farmers’ Cooperatives Associations,” pahayag ng DA.

Bukod sa bigas ay makakabili rin ng murang isda, itlog, sibuyas, bawang, gulay, at prutas sa Kadiwa store.

Samantala, ang mga Kadiwa store ay matatagpuan sa mga sumusunod na lugar:

– ADC Building ng Department of Agriculture – Central Office sa Quezon City
– Kadiwa Center sa loob ng Bureau of Plant Industry sa Malate, Manila
– Kadiwa Store sa kahabaan ng Llano Road sa Barangay 167, Caloocan City
– Kadiwa Store sa AMVA Housing, La Mesa Street sa Barangay Ugong, Valenzuela City
– at Kadiwa Center sa PhilFIDA Compound, Talon Dos, Las Piñas City.