P29 kada kilo ng bigas, posible sa Agosto – DA

Mayroong posibilidad na makapagbenta ng P29 kada kilo na presyo ng subsidized rice sa darating na Agosto, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Mayroong posibilidad na makapagbenta ng P29 kada kilo na presyo ng subsidized rice sa darating na Agosto, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, dati nang ginagawa ang pagbebenta ng mas murang bigas sa pamamagitan ng kontrata ng National Irrigation Administration (NIA).

“Posible iyan, of course, mayroon iyan subsidiya galing sa ating pamahalaan, nasubukan na natin iyan sa ilang lugar,” pahayag ni De Mesa.

Aniya, ang programa ay maaaring ipatupad kapag nailatag na ang mungkahing amendment sa Rice Tariffication Law (RTL).

“Iyan ay pag-aaralan at pagsusumikapan natin, hopefully by August lalo na kung maipasa,” dagdag pa nito.

Samantala, ang naturang programa ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng binhi, pataba, libreng serbisyo sa irigasyon, at kagamitan mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech).