P280-M tulong ng gobyerno, bumuhos sa Cagayan de Oro City

Umabot sa P280-M ang kabuuang tulong na ibinigay ng Pamahalaang Marcos na bahagi ng programang tulong pinansyal, scholarship, at livelihood assistance sa 30,000 benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Cagayan De Oro City nitong May 16-17.

“Isa na namang matagumpay na BPSF ang ating naisagawa sa CDO itong nakaraang dalawang araw. Target po natin ang mga lalawigan sa Mindanao, kaya isusunod na natin ang Tawi-Tawi at Davao del Norte matapos tayong manggaling sa Zamboanga City nitong nakaraan,” sabi ni House Speaker Martin G. Romualdez na siyang pangunahing kinatawan ng BPSF sa installment ng service caravan nito.

Ang Cagayan De Oro city ang ika-anim na lalawigan sa Mindanao na binisita ng BPSF caravan. Nauna na rito ang Zamboanga City, Bukidnon, Agusan del Norte, Sultan Kudarat and Davao de Oro.

“Ito po ang hangarin ng ating mahal na Pangulong Marcos Jr., ang direktang benepisyo sa ating mga mamamayan. Ang gobyerno na po ang pupunta sa inyo, hatid ang daan-daang programa at mga programa sa ayuda para siguruhing lahat ng mamamayan ay kasama natin sa pag-unlad,” dagdag ni Romualdez.