P262-B budget proposal ng DILG para sa 2024, lusot sa House appropriations committee – Rep. Zaldy Co

Pasado na sa House Committee on Appropriations ang budget ng Department of the Interior and Local Government na nagkakahalaga ng P262 bilyon, ayon kay Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co

Tiniyak ni Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co na magkakaroon ng sapat na pondo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga attached agencies nito para sa susunod na taon.

Dininig ng House Committee on Appropriations ang P262-bilyon panukalang budget ng kagawaran kamakailan, at iginiit doon ang kahalagahan ng mga ahensiya nito para panatilihin ang peace and order situation ng bansa, ayon kay Co, na siyang namumuno sa naturang kumite.

The Department of the Interior and Local Government is a vital pillar of governance in the Philippines. It plays a multifaceted role in maintaining peace and order, efficient local governance, and provide services in times of disaster,” pahayag ni Co.

“The DILG is the cornerstone of the nation’s pursuit of stability, progress, and resilience,” dagdag pa ni Co, na chairman ng House appropriations committee. “The vital role of the DILG in disaster response serves as a bridge to expedite disaster-related services and rescue efforts in affected communities. Malaking tulong ang support na ito para maging handa tayo sa oras ng pangangailangan.”

Ani Co, ang kabuuang budget ng DILG ang susuporta sa UNITE agenda ng gobyerno, na naglalayon magpatupad ng mga hakbang tungo sa makabagong panahon.

Sa pagtatanong ng mga miyembro ng kumite, tiniyak ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na mataas pa rin ang prayoridad ng kanyang pamunuan sa karagdagang pagsasanay ng mga pulis at pagbili ng mga kinakailangan nitong gamit para sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.