P228M ayuda pinamudmod ni PBBM sa Western Visayas

Aabot sa P228 milyong ayuda sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Nino ang ibinuhos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Western Visayas.

Aabot sa P228 milyong ayuda sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Nino ang ibinuhos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Western Visayas.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa San Jose de Buenavista, Antique, binigyan ni Pangulong Marcos ng tig P10,000 ang piling 50 benepisyaryo mula sa Antique, Iloilo, Guimaras, Capiz at Aklan.

Namahagi rin si Pangulong Marcos ng farm machineries at equipment.

Binigyan din ni Pangulong Marcos ng tig P50 milyon ang provincial governments ng Antique, Iloilo, Capiz, Aklan habang nasa P28 milyon naman ang ibinigay sa Guimaras.

“Magtiwala po kayo na sisikapin naming maabot ang ating mga liblib na pamayanan sa bawat sulok ng bansa nang sa gayon ay walang maiiwanan at mawalang mahuhuli, at sama-sama tayong maglalakbay patungo sa Bagong Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Namahagi rin ng iba pang tulong ang Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Department of Labor and Employment at iba pang ahensya ng gobyerno.

Namigay naman ng tig-limang kilong bigas si House Speaker Martin Romualdez sa mga benepisyaryo.