P20-M SONA budget walang bahid ng korapsyon — House exec

Siniguro sa publiko ni House Secretary General Reginald Velasco na binusising mabuti ang pondong inilaan sa ikatlong state of the nation address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Siniguro sa publiko ni House Secretary General Reginald Velasco na binusising mabuti ang pondong inilaan sa ikatlong state of the nation address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Velasco, ang P20 milyong pondo para sa SONA ay alinsunod sa batas at opinyon ng mga Pilipino hinggil sa tamang paggamit ng pamahalaan sa kaban ng bayan.

“As Secretary General of the House of Representatives, I want to assure the public that we are committed to transparency and responsibility in spending public funds,” pagsisiguro ni Velasco.

“Our goal is to ensure that the 2024 SONA is conducted with the highest standards, reflecting our dedication to serving the people with integrity and accountability,” dagdag niya

Nilinaw naman ni Velasco na ang P20 milyong pondo na minsan niya nang isinapubliko ay estimate lamang ng total budget ng SONA at hindi pa nagugugol o nagagastos.

“This figure is an estimate and has not yet been fully expended. The budget covers a range of essential expenses to ensure the event’s success, beginning from March 12, 2024, when the SONA Task Force was created,” aniya.