P20 kada kilo ng bigas naibenta sa Kadiwa sa Albay

Naipagbili sa “Kadiwa ng Pangulo” sa Ligao City, Albay ang kada kilo ng bigas na nagkakahalagang P20.

Naipagbili sa “Kadiwa ng Pangulo” sa Ligao City, Albay ang kada kilo ng bigas na nagkakahalagang P20.

Sinabi ng National Irrigation Administration (NIA) na inilunsad ang Kadiwa ng Pangulo sa Albay-Catanduanes Irrigation Management Office (ACIMO), kung saan nabigyan ng prayoridad ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga nakatatanda, at mga taong may espesyal na pangangailangan.

Habang ang mga regular na mamimili naman ay nakabili ng P35 kada kilo na bigas.

“It serves as a way of Irrigators Associations (IAs) to return the blessings they received from the government to less privileged people for their community,” pahayag ng NIA.

Dagdag pa ng NIA, suportado nito ang inisyatiba ng pamahalaan na tulungan ang mga IA na direktang magbenta ng kanilang mga produkto sa mga mamimili at gawing mas abot-kaya ang mga pagkain.

Samantala, pinangunahan naman nina NIA Regional Manager Engr. Gaudencio M. De Vera, Albay-Catanduanes IMO Manager Engr. Jessie D. Baynas, at ACIMO IA Federation President Melanio Bañares ang naturang proyekto.