P20.3M lotto jackpot kinubra ng Bikolanong mananaya

Inuwi ng solong mananaya mula sa Camarines Sur ang P20.3 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 nitong Miyerkoles ng gabi.

Inuwi ng solong mananaya mula sa Camarines Sur ang P20.3 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabili ang winning lotto ticket sa Pili, Camarines Sur na winning combination na 01-26-30-13-06-28 sa halagang P20,388,114.

Nanalo rin ang 65 na mananaya ng P32,000 para sa natugmang lima mula sa anim na winning digits.

Maaaring i-claim ng mga nanalo ang kanilang premyo sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Samantala, wala pa ring nakakakuha ng papremyo sa 6/55 Grand Lotto na may jackpot prize na P59,391,991 at winning combinations na 13-41-22-52-17-20.