P2 milyon halaga ng shabu nasamsam sa Albay

Kalaboso sa isang buy-bust operation sa Tabaco City, Albay ang isang lalaki na nakuhanan ng P2 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu.

Kalaboso sa isang buy-bust operation sa Tabaco City, Albay ang isang lalaki na nakuhanan ng P2 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu.

Sa ulat nitong Miyerkoles, kinilala ang suspek sa alyas na ‘Kaloy’, 32-anyos, na isa umanong high-value target sa lugar.

Nakumpiska kay Kaloy ang 418.525 gramo ng shabu na nakaselyo sa mga plastic na lagayan.

Nasa kustodiya ng ng Tabaco police ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.