P2-B ayuda para sa mga rice trader, retailer, inaaksyunan na nina Romualdez, Co

Pinapahanap ni House Speaker si House appropriations committee Rep. Elizaldy Co ng P2 bilyon sa kasalukuyang budget para ipamahagi sa mga rice retailers na apektado sa EO No. 39

Inatasan na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang House Committee on Appropriations na humanap ng mga paraan para maglaan ng P2 bilyon sa 2023 national budget para matulungan ang mga retailer ng bigas na apektado ng pagpapataw ng price ceiling.

“Our goal is to ensure that we can extend assistance to rice retailers who may be affected by this rice price ceiling, as it is a directive from our President aimed at protecting consumers,” paliwanag ni Romualdez sa isang pahayag nitong Lunes, Setyembre 4.

“The government is not insensitive, so we want to listen to their concerns, and we will try to find a solution to address their fears of incurring losses,” dagdag pa ni Romualdez. “We are aware that they have high costs from traders, but our priority is the public’s difficulty in buying rice.”

Sinabi ni Romualdez na inatasan niya si Ako Bicol Rep. Elizaldy Co, chair ng House Committee on Appropriations, na agad na makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) upang makahanap ng paraan para matustusan ang P2-bilyong financial assistance para sa mga retailer.

Siniguro naman na Co na agad siyang makikipag-ugnayan sa DBM to upang mapabilis ang pagbigay ng pondo para sa rice retailers.

Nauna nang ibinaba ng pamahalaan nitong nakaraang lingo ang price ceiling sa presyo ng bigas dulot na rin patuloy na pagtaas nito. Kaya naman siniguro ni Romualdez na suportado ng Kamara ang anumang hakbangin na magpapataas sa suplay ng bigas sa bansa.