P2.5M ayuda pinamigay sa mga nasunugan sa Tondo

Aabot sa P2.5 milyong cash assistance ang ibinigay na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 125 pamilya sa Tondo, Manila na nasunugan noong Hunyo 16.

Aabot sa P2.5 milyong cash assistance ang ibinigay na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 125 pamilya sa Tondo, Manila na nasunugan noong Hunyo 16.

Nailabas ang pondo sa tulong na rin ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, Jr., tig P20,000 ang natanggap na ayuda ng bawat pamilya.

Galing ang pondo sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Sinabi ni Gabonada na nagtulong din ang Office of the Speaker at tanggapan nina Tingog party-list Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre sa pagbibigay ng 400 food pack sa mga biktima ng sunog. Nanggaling ang ginamit na pondo rito sa personal calamity fund ng mga mambabatas.

Nakatuwang din sa pamamahagi ng cash assistance at food packs ang tanggapan ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr.

“Our priority is to provide immediate and meaningful assistance to those affected by this unfortunate incident,” sabi ni Gabonada.

“By working together with DSWD and Congressman Dionisio, we aim to alleviate the suffering of the fire victims and help them rebuild their lives as quickly as possible.”

Malaki naman ang pasalamat ni Dionisio sa tulong na ibinigay sa mga nasunugan.

“We are deeply thankful to Speaker Romualdez for his unwavering commitment to aiding our constituents in times of crisis,” sabi ni Dionisio.

“His (Speaker Romualdez’s) leadership has been instrumental in securing the necessary resources to help the fire victims of Tondo. This assistance will go a long way in providing immediate relief and supporting the recovery of our affected families,” pahayag ni Dionisio.