P2.5B emergency loan inilaan ng GSIS para sa mga apektado ng El Niño, pertussis

Naglaan ng halos PHP2.5 bilyon na emergency loan ang Government Service Insurance System (GSIS) upang tulungan ang mga miyembro at pensioners na naapektuhan ng El Niño sa Occidental Mindoro at pertussis sa Cavite.

Sinabi ng GSIS na maaaring magpasa ng aplikasyon para sa emergency loan sa Occidental Mindoro at Cavite sa Mayo 7 at Hunyo 7.

Upang mag-qualify para sa loan, dapat na naninirahan o nagtatrabaho sa mga lugar ng kalamidad ang mga aktibong miyembro.

Bago umano mag-apply ay dapat hindi sila naka-leave of absence na walang sahod, walang nakabinbing legal na kaso, at nakapagbayad ng hindi bababa sa anim na buwang premium contributions.

Bukod pa riyan, kinakailangan din, sa ilalim ng General Appropriations Act, na ang kanilang net take-home pay ay hindi bababa sa P5,000.

Samantala, ang mga miyembro na mayroong balanseng emergency loan ay maaaring mangutang ng hanggang P40,000. Habang ang mga pensioner at ang mga walang balanse ay maaaring mag-apply para sa P20,000 na loan.