P175M lotto jackpot sinolo ng Pasigueño

Nasungkit ng isang mananaya mula Pasig ang P175M na jackpot sa UltraLotto 6/58 na binola nitong March 1, Biyernes ng gabi.

Nasungkit ng isang mananaya mula Pasig ang P175M na jackpot sa UltraLotto 6/58 na binola nitong March 1, Biyernes ng gabi.

Tinayaan ng lotto bettor ang winning combination na 04-07-57-05-54-47.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lotto bettor ay tumaya sa lotto outlet sa Amang Rodriguez Avenue sa Santolan, Pasig.

Samantala, P120,000 naman ang nakuha ng 20 mananaya matapos matamaan ang lima sa anim na numero.

Wala namang nakakuha ng jackpot na Mega Lotto 6/45 na nasa P8.9M.