P170-B PPP project babaguhin mukha ng NAIA – Romualdez

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na ang P170 bilyon na rehabilitation project ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang magreresolba sa mga problemang kinahaharap ng paliparan.

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na ang P170 bilyon na rehabilitation project ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang magreresolba sa mga problemang kinahaharap ng paliparan.

Ngayong Lunes nilagdaan ang kontrata para sa rehabilitasyon at operayon ng NAIA. Ang consortium na pinangungunahan ng San Miguel Corporation ang nakakuha ng kontrata sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP).

Kumpiyansa si Romualdez na ito na ang umpisa ng ‘new era’ ng NAIA.

“This momentous occasion signals a new era of progress and efficiency for NAIA,” saad ng House Speaker.

Ayon kay Romualdez, ang pagpapaganda sa paliparan ay magdudulot ng magagandang epekto sa ekonomiya ng bansa.

“The revitalization of NAIA also promises broader economic benefits for our country and our people, including job creation, increased tourism, and greater connectivity with global markets,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang kontrata ay tatagal ng 15 taon, ngunit maaari pang palawigin ng isa pang dekada.