P15B pwede gamitin pambangon sa El Niño – DBM

Abot sa P15.5 billion ang maaaring gamitin ng gobyerno para masalag ang matinding epekto ng El Niño sa bansa.

Abot sa P15.5 billion ang maaaring gamitin ng gobyerno para masalag ang matinding epekto ng El Niño sa bansa.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), maaaring gamitin ang pondo sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) para masolusyunan ang El Niño.

“We are prepared to support all operations that seek to cushion the negative impacts of the dry spell affecting various provinces in the country. Our data shows that as of April 24 this year, the disaster relief fund stands at over PHP15 billion,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Dagdag pa niya, mayroon ding quick response funds (QRF) ang ilang government agency na makatutulong din sa pagbangon sa El Niño.

“Aside from that, several identified agencies may mobilize their QRF allocated in their respective budgets when necessary, in accordance with the respective special provisions for QRF. Malaking tulong po ‘yan sa mga apektadong komunidad sa bansa,” saad pa ni Pangandaman.

Inaasahan na magtagal ang El Niño hanggang Hunyo, kung saan matinding tinamaan ang kabuhayan ng mga magsasaka dahil sa tagtuyot.