P158M pinamudmod ni PBBM sa Caraga

Aabot sa P158.15 milyong halaga ng pinansyal na ayuda ang ibinuhos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga residente sa Caraga region na naapektuhan ng El Niño.

Aabot sa P158.15 milyong halaga ng pinansyal na ayuda ang ibinuhos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga residente sa Caraga region na naapektuhan ng El Niño.

Ito ay matapos bisitahin ni Pangulong Marcos ang Butuan at at Surigao del Sur.

Nasa P12.48 milyong tulong pinansyal ang ibinigay ni Pangulong Marcos sa lokal na pamahalaan ng Surigao del Sur, P50 milyon para sa Agusan del Sur; P46.84 milyon sa Butuan City; P28.26 milyon sa Agusan del Norte; P10.57 milyon sa Surigao del Norte at P10 milyon sa Dinagat Island.

Namahagi rin si Pangulong Marcos ng P10,000 cash assistance para sa bawat 9,195 benepisyaryo ng Surigao del Sur at 4,650 benepisyaryo sa Agusan del Norte at Butuan City.

Ang Butuan City ay isinailalim sa state of calamity nitong Hunyo 13, dahil sa El Nino kung saan umabot sa 3,694 mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan at aabot sa P699.55 milyon halaga ng agrikultura ang nasira.

Sa Surigao del Sur naman ay namigay si Pangulong Marcos ng farm machineries, equipment at iba pang tulong tulad mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Integrated Livelihood Program (DILP) , Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Government Internship Program (GIP).

Namigay din si Pangulong Marcos ng training allowance para sa mga benepisyaryo ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) beneficiaries at livelihood starter tool kits.