P150 umento sa sahod sinusulong sa Kamara

Imbes na P100, nais gawin ng isang kongresista na itaas sa P150 ang dagdag sa sahod ng mga minimum wage earner ng mga nasa private sector.

Imbes na P100, nais gawin ng isang kongresista na itaas sa P150 ang dagdag sa sahod ng mga minimum wage earner ng mga nasa private sector.

Sinusulong ni Deputy Speaker Raymond Mendoza na ipasa ang House Bill No. 7871 na naglalayong magkaroon ng umento sa sahod ng mga kumikita ng minimum wage.

Ang kaibahan lang nito sa ipinasa sa Senado na Senate Bill No. 2534 ay P150 ang nais na itaas ng minimum wage sa panukalang batas ni Mendoza, na representative din ng Trade Union Congress of the Philippines party-list.

Their honest hard work receives only poverty wages that cannot even sustain the health, productivity and need for a decent life of their families,” ayon kay Mendoza.

Huling nagkaroon ng umento sa sahod nationwide ay noon pang 1989.