P14M shabu bistado sa 2 suspek sa Bicol

Nakuha ng mga awtoridad ang abot sa P14M halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust sa Matnog, Sorsogon nitong Sabado.

Nakuha ng mga awtoridad ang abot sa P14M halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust sa Matnog, Sorsogon nitong Sabado.

Sanib-pwersa na naaresto ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang suspek na nakitaan ng iligal na droga.

Kinilala ni Bicol Police Regional Office spokesperson Lt. Col. Malu Calubaquib ang mga suspek na sina alyas ‘Pan’ at ‘Ham’ na parehong taga-Lanao del Sur.

Nakita sa kanila ang isang plastic sachet na naglalaman ng abot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu, kasama pa ang dalawang tea bag na may bigat na 2,000 gramo na may laman ding iligal na droga.

Nasa kustodiya na ng Matnog Municipal Police Station ang dalawang suspek.