P14B pension budget ibibigay na sa military retirees – DBM

Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P14.046 bilyong pondo laan para sa pension ng mga retiradong pulis at sundalo.

Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P14.046 bilyong pondo laan para sa pension ng mga retiradong pulis at sundalo.

Ayon kay Budget secretary Amenah Pangandaman, alinsunod ang pag-apruba sa hiling ng Department of National Defense (DND) – Armed Forces of the Philippines General Headquarters (AFP-GHQ) na magbibigay pondo para sa pension ng mga retirees mula buwan ng Hulyo hanggang Septyembre 2024.

“We are committed to ensuring the timely budget release of benefits to our esteemed military retirees. The approval of these funds demonstrates our dedication to honoring the service and sacrifice of our nation’s defenders, and upholding our responsibility to protect their welfare,” sabi ni Pangandaman.

Dahil dito, nasa 139,172 benepisyaryo ang siguradong makakakuha ng kanilang mga pension sa mga nasabing buwan.

Dagdag ni Pangandaman, tuloy ang pagsisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibigay ng gobyeno ang pangangailangan ng mga Pilipino.

“Bahagi rin po ito ng isinusulong na Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kung saan walang Pilipino ang maiiwan,” aniya.